---cute ang story kaso nakakaiyak din-- ”Cool off muna tayo...,” sabi nya. Medyo natagalan akong sumagot. Napabuntung-hininga muna ako ng malalim bago sumagot na, “O, sige! Walang problema sa akin...cool ‘yan!” Hindi ko na naintindihan masyado ang mga sumunod na sinabi nya hindi dahil sa lakas ng background noise sa linya ng telepono; sobra lang napuno agad ang utak ko ng mga bagay-bagay na patungkol sa aming dalawa. Ang naaalala ko na lang ngayon ay yung sinabi nya na medyo kailangan daw nya ng space. Putek naman! “Long distance na nga, pa-space-space ka pa dyan.” Sana sinabi ko iyon sa kanya. Para naman naramdaman nya na naghihimutok talaga ako...na pa cool effect lang yung “O, sige!Walang problema sa akin...cool ‘yan!” na linya ko. Space daw, o! Space my ass! I- space nya kaya lelang nya. Gusto na lang niya talagang bumitaw sa relasyon namin. Well, kung iyon ang gusto niya eh wala na akong magagawa doon. Ano man sigurong pilit kong ipaglaban sa kanya, at ano mang pilit kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya pinaha- halagahan, eh wala ring kwenta dahil hindi na nya iyon mararamdaman. Deadma na siya, ‘kumbaga. Natural lang naman kasi sa isang tao na hindi madama ang ipinadadama ng isa pang tao kung ayaw na lang nga nya talaga doon sa isa. At kapag dumating na sa punto na iyon, panahon na siguro na tigilan na ang lahat ng kabaliwan. Simpleng lohika lang naman: “Eh, ‘di kung ayaw na nya sa akin, ayaw ko na rin sa kanya.” Sana nga ganon na lang kasimple ‘yon, ‘no? Para naman makatulog na ako ng mahimbing sa gabi. Para naman maka-concentrate na ako sa mga bagay na dapat ko munang gawin, tulad nitong final exams na darating. Pero ganon pala talaga iyon. Kapag natutunan mo na talagang mahalin ang isang tao ng buong-buo, pati yung kaliit-liitan nyang kulugo sa hinliliit ng paa, mahirap talagang maging lohikal lang. Natural lang na maging emosyonal, ibig sabihin hindi maiiwasan ang mag-emote at mapaiyak, kahit konti. Lalo pa at kapag naaalala mo yung masasayang sandali ninyong dalawa. Kailan nga lang ba yung holding-hands pa-sway-sway pa ninyong paglalakad sa dalampasigan ng Boracay? Yung pag me-make out nyo sa sinehan habang nagbabakbakan sila Mr. Anderson at yung sangkaterbang clones sa Matrix Reloaded? How about yung pagkain nyo ng sandamukal na fishball sa may Sunken noong huling bisita nya sa UP? Yung pagpunta nyo sa Anito? Haay, nakakamiss lang talaga! (Lalo na yung Anito part...) At nakakaiyak din. Bu-hu-hu-hu! (Napahagulgol na naman ako ng ‘di oras.) Nakakaiyak lang talaga, eh. Kasi naman, bakit kaya may mga taong hindi marunong tumanggap ng pagmamahal? Sa tingin ko naman, ginawa ko ang lahat para lang mapasaya siya. “Sinuportahan ta ka,” ‘ika nga. O, baka naman hindi sapat ang ginawa ko. “Saan ba ako nagkulang, kuya?” Heniwey, hokey lang. Hindi ako dapat nagluluksa sa pagkawala niya. Bah, ako yata ang lalaki! Bakit kailangan kong magpaawa sa kanya? ‘T*ng ina! Kung ayaw nya, wag nya. Sus, eh ang dami kayang babaeng nagkakandarapa sa akin. Sino-sino nga ba? Well, ‘andyan si Yvette na malaki ang dyoga, si Isa na panalo ang wetpaks at tsaka si Kristine na anak ni Ma’am Bautista. (Sexy momma si Mrs. Bautista!). Dapat nga pala magdiwang ako dahil ngayon pwede na akong mag-flirt galore! Yey! Libreng-libre na ako at ang aking konsyensya.Liberating, ‘kumbaga. Mapaplano ko na ngayon yung mga gusto kong gawin ng hindi na kailangang isipin pa kung saan siya ilalagay. Gimik galore kahit saan ng hindi na siya inaalala pa. Isa pa, pagod na rin ako eh. Lagi ko na lang siyang sinusuyo. Lalo na kapag dumarating ang period nya. ‘Langya parang tigreng wala sa sarili! Hindi ko talaga alam ang evolutionary significance ng PMS sa human species. Bakit kaya hindi na nasanay ang mga babae sa period nila, gayong buwan-buwan naman eh dinadalaw sila noon simula noong dose anyos sila? Aahh, heto na naman ako...Kung kailan nag-e-emote eh, saka nag-iisip ng mga walang kapararakang bagay. Mabalik nga tayo kay ex. Oo, ex na tawag ko sa kanya kahit cool off lang gusto nya. Uunahan ko na siyang i-dump. Aba, hindi nya ako maiisahan, wais yata ito, ‘no! Hindi naman kasi ako naniniwala dyan sa cool off, cool off na iyan, eh. Ano ‘yan radiator ng dyipni na kailangang palamigin kada byahe? Hindi naman yata tama ‘yun. Tsaka yung karburador namin, eh hindi pa nga talaga nag-iinit, so ano ang kailangang palamigin doon? Isa pa, yung cool off na iyan eh katumbas lang naman ng “pumanaw na siya” na ipinapalit sa “patay na siya”. Euphemism lang ‘kumbaga. Kung tutuusin ay ayaw na nga nya sa relasyon namin. Eh, ‘di kung ayaw na nya, eh ‘di ayaw ko na rin. Pero sana nga ganoon lang kasimple ‘yon. Pero hindi, eh. Kahit ibigay pa sa akin ni Lord ang babaeng may pinakamalaking dyoga at pinaka- panalong wetpaks sa balat ng lupa, tanging si ex pa rin ang iisipin ko. Naiiyak na naman tuloy ako. *hikbi*